Sunday, July 23, 2006

SONA Boom!

bukas walang pasok. hindi dahil sa SONA bukas, kundi dahil sa bagyo. Wow, bagyo na naman. Hindi ba nila kaya maghintay ng kahit ilang buwan lang may bago na ulit. At, take note, mga 10pm na kumalat ang tsismis na walang pasok. Bakit kaya kapag na-announce na na walang pasok kinabukasan, biglang humihinto ang ulan at humihina na ang bagyo? Nakakapagtaka noh? Oh baka ako lang nag-iisip ng ganun. Sa kabilang dako, yung mga blockmates ko sa conference ay nagwawala. Puro na lang mura. Pero masaya pa sila nun ah. Kakaiba na talaga. Magso-SONA lang bukas si president, at prelims ng kaibigan ko, parang ang gulo na naman ng mundo. Pati dito sa amin, nagkakagulo kung anong dvd ang papanuorin at kung anong tinapay ang kakainin. Pati blockmates ko pinag-uusapan pagkakandidato nila bilang block representative. Pulitika na naman. Kesyo marami raw ang hindi bumoboto at puro abstain. Baka manalo pa raw ang abstain kung nagkataon. Hala, ano naman pakelam ko sa ganyan. Boring ang entry ko ngayon, masyadong maraming distraction, haha.ΓΌ

MORAL: Vote wisely, vote positively, vote for me.