Friday, December 05, 2008

Masamang Biyahe : Bad Trip

Man, mahaba ito. Masusubukan ang reading comprehension, endurance, at open-mindedness mo sa entry kong ito. Challenge ito, pare, challenge ito!

Ihanda ang iyong sarili sa isang impormal na Filipino entry. Kasi kung pormal (Ano ba other terms for formal sa Filipino? Tinatamad ako maghanap.) baka magsawa ka pangalawang pangungusap pa lang. Handa, basa.

Kanina wala kaming pasok sa Theology kasi may misa para sa mga Calatagan farmers. So, unang klase ko yung Philosophy class namin. Pumasok ako ng 10 minutes earlier than the usual time akong dumadating sa school kasi kailangan ko magsubmit ng reflection paper sa OSA. Teka simulan natin sa tricyle area sa Mini-Stop. May nauna sa akin na sumakay, tapos tinanong siya nung trike driver kung saan siya. Narinig ko (kasi chismosa ako) na sa library siya bababa. So nung tinanong siya kung special (kung mag-isa ka lang na bibiyahe special yun kasi solo ka eh, duh) na yung trip niya, tinuro niya ako na baka raw sasabay ako. Ganito nangyari sa usapan, "Saan ka?" tanong ng tricycle driver sa akin. "Xavier po," sagot ko. Nagkamot siya ng freaking ulo niya na obvious namang freaking hindi makati pero ang meaning niya since action speaks louder than words, "Sakay ka na lang sa iba." Pero dahil kuripot din yata yung nakasakay na female Atenista roon, sabi ko, "Manong, magkalapit lang ho ang Xavier and yung library." Matigas si Manong. Astig ka! Parang ayaw pa rin ako pasakayin hanggang nagreklamo na yung nakasakay sa loob, "Malapit lang yung Xavier at library," pilit niyang sinasabi. Kulit kasi eh. Magkalapit lang naman talaga yun.

So noong nasa loob na kami, kinausap ako nung babae. Mas tipid daw if dalawa or tatlo. Oo naman ako. Mahal na raw kasi magtrike lalo na kung mag-isa. Hello, nagrollback na nga ang gasolina pero ang mahal pa rin ng fare. Unfair! Bad trip. Pagdating ko sa OSA para magsubmit ng filler, SARADO ang hinayupak na office. Dahil daw sa Calatagan farmers kaya sarado sila. Eh 10 minutes na lang Philo class ko na. Bad trip! Mamaya na lang after ng Philo class ako magsusubmit.

Fast forward 4 hours later. Pumunta kami sa Gateway check lang if makanonood kami ng Bolt or Quarantine kung ano man yung swak sa oras. However, father, mother, brother, sister, WALANG malapit na showing. Yung Bolt in 3D, PHP 271. What the freaking heck?! Bad trip! Tinanong ko yung nagpupunit ng ticket sa entrance ng mga sinehan kung bakit mahal yung Bolt. "3D kasi siya, may kasamang 3D glasses." So hindi ko na naman napigilang magcomment, "Eh paano po kung may 3D glasses (may Hannah Montana 3D glasses kami courtesy of our cable provider) kaming dala? 271 pesos pa rin?" Oo raw, kasi may food na rin. Hmm, baka Pedigree or Alpo, di bale na lang. PHP271 pa rin yun. Dang, bad trip! Kumain na lang kami sa Taco Bell, benta ang order ni Joppet, Cheesy Fiesta Pota... What?! Pota?! Bad word! Tae ka, totoong nakasulat yun. Ito proof Pota-to kasi eh. May ADHD ka ba, sheez.


So tapos na yang POTA-to shiz, umuwi na lang kami kasi nga wala naman kaming mapapanood na iba dahil hindi nga swak yung screening schedule sa budget time namin. So makikipagkita na lang ulit ako sa kaibigan ko sa SM tapos diretso kami Robinsons Galleria para manood ng Quarantine or James Bond - kung anuman maabutan. WHAAAAAADAAAAAA, super traffic! Parang lahat ng tao biglang naisipang bumiyahe nang sabay-sabay! Bad trip! Diyahe, pare, bad trip! Hindi kami umabot sa schedule, late ng 30 minutes. Ayos naman, 9:40PM pa yung next showing. Hahahahachoo. Bad trip. Ayaw talaga ako papanuorin? Ay teka, bakit pala James Bond or Quarantine at hindi Bolt? Kasi may promo ang Robinsons na kapag doon ka manonood, may raffle coupon ka para sa raffle nilang 1-meter Bolt plush toy (shocks super cute masasapak mo katabi mo). Nagsearch ako ng screening schedules sa Operating Systems class namin habang nagdidiscuss yung teacher ko, boring siya, pare. Anyway, naghati ang Bolt and James Bond sa isang cinema. Sa bandang hapon ang Bolt, sa gabi James Bond. Bad trip hindi ako abot sa Bolt! So umuwi na lang kami kasi nga wala na, masiyado nang gabi. Goodness, traffic pa rin pauwi! Nagbus na lang kami kasi nga traffic parin, maghihirap ka kapag nagtaxi ka. Sa TV, palabas Eva Fonda starring Christine Reyes na super ganda at crush ko/namin. Iyon pa yung episode na gagahasain siya ni Baron-suck-my-face-manyakis-ako Geisler. Bad trip. So umuwi na ako, may dala nanay ko na pansit Malabon. For me raw, kasi walang sahog na epal (read: meat) so kain ako. Ayos 'Nay, walang lasa yung pansit Malabon. "Anak, hayaan mo na. Free lang kasi yan eh kaya tanggapin mo na kung walang lasa." Bad trip.

Bad trip count: 12


MORAL: Ang pagiging bad trip ay hindi relative at hindi subjective. Talagang bad trip lang. Ano magagawa mo? Wala. Mainis ka lang nang sandali kasi nga bad trip eh. Tapos magmove-on ka na. Habang nagtatype ako nito, nanonood ako ng Ellen, start na ng 12 Days of Christmas niya. Bad trip, gadgets galore ang first day! Tinuturuan ni Ellen ang audience niya na maging materialistic at mag-expect ng something in return always. Lagi pa naman akong nanonood ng Ellen, at yun ang moral ng show niya. Be materialistic because it is fun. Bad trip ka, 'tol.

Grand total bad trip count: 18 (including MORAL and Title)

No comments: