Wednesday, February 11, 2009

Isang Kabaliwan

Trip ko tonight magtype in Taglish like I'm so conyo. Actually hindi. Basta. Hindi English. So, baka un-English night/day ito. Yep, un-English day or night. Kanina nagpicture ako ng pictures ng ibang tao. WHAT?! Nagpicture ng pictures?! Oo, ano ba. Adik ka ba? Along Faura Driveway, nandoon parin nakabalandra yung mga mukha naming tumakbo sa MISA Elections. Tapos na yung elections nandoon parin yung mga application forms namin. Hinihintay ko na lang one time na pagdaan ko doon eh wala na yung mga appforms namin kasi may nabwisit na or something. Knowing ang daming gumagamit ng Faura AVR for serious business eh nasa entrance parin yung pictures namin. Since mabait ako and all the shiznits, may naisip na naman akong pagtripan. Yep si Jiniper ang lucky one na tinadhana para mapagtripan ko....... ulit. Mind you, I don't usually make trip other people. So ano ang next sa list ng "Things Not To Do To Other People That You Don't Want Others To Do Unto You"? (Uy, gagawa nga ako ng ganung list.) Nakalagay sa list na i-zoom nang super todo, or i-digital macro ang picture ni Stacy tapos gawing avatar sa Yahoo! Messenger pagkauwi. Maaaring ikalat sa ibang tao at sabay-sabay gawing avatar/display picture ang nakuhanang picture ni Jiniper (aka Stacy) na nagmimilagro kapag pinahiran ng kumukulong mantika. Gusto niyo ba makita ang picture niya? Bente muna. Pero gusto mo nga makita? Scroll down. Or look down, or keep reading.

Huwag na. She has the right to protect herself from people like you who's chismosa/chismoso or whatever. Actually, hindi doon nagtapos ang malagim kong araw. Hindi lang si Jiniper ang napili ng clouds para picturan ko raw gamit ang digital macro mode. Digital macro mode is like saying super duper lapit na pagkuha ng picture. Ok?

Punta tayo ng cafeteria. Left, left, left, right, left. OMG, ganun ka ba maglakad? Puro left? (Oo alam ko pati right ginagamit. Officer kaya ako nung high school S2 Intelligence Officer / Provost Marshall pa nga ako nun eh. Eat dust!) So basta sa cafeteria. Uso na naman ang trading cards aka grad pics, campaign materials, baseball cards, fencing cards, arnis cards, magic cards, playboy cards, at graphic cards. May nagbigay sa akin ng campaign shiznits. Kinalat (hindi tinapon), ok, ang term talaga is ipinamigay ko siya. Tama lang. Ganoon talaga pag campaign. Tapos si Merryl Sheila (insert last name here) alyas Sheila Ilang-ilang ay ginagawang teks (basta yung nilalaro ng mga bata sa kalye) yung laminated pictures. Sabi ko sa kanya na wag niya gawin yun kasi magagalit si Magical Blank Blank (blank as in _____ talaga kasi pangalan yun eh) at baka pag nakita siya eh lumapit, hands on his/her (para walang clue) waist at sabihan siya ng, "Damn Yu!" habang dinuduro siya. Not bad. I mean, bad diba?! Pero pinicturan ko parin sila in digital macro mode. Di ko naman kayang gawing display pictures, baka magpakita rin kasi sa akin at murahin ako or what. Sabi ko pa naman sa blockmate ko, either crush niya yung nasa may likuran ko, katabi ko, or ako.


MORAL: Sarah Sarah prinsesa. Lavinia Lavinia inggitera. Lottie Lottie iyakin. Ermengarde Ermengarde bobo pa rin. Ms Minchin mukhang pera, mukhang pera. Mukhang peraaaaaa!!!

No comments: