Sunday, June 28, 2009

Hindi Explicit sa Job Description 1.0

Ang "Hindi Explicit Sa Job Description" (Pero Kasama) ay isang bahagi ng buhay ko na malalaman niyo lang ang buong kuwento kapag natapos na ang isang taon. Nasa kontrata iyon, pinirmahan ko ng aking dugo, pawis, laway, at libag. Orihinal na naisip ko ipangalan ay "Hindi Ko Akalaing Ganito Pala" ngunit wala lang, mahirap kasi ilagay sa tags/labels. Babala lamang dahil pawang mabigat ang tema ng mga entries na maisasama rito. Minsan Ingles ang gagamitin kong paraan ng pagsulat, minsan Filipino, minsan Pranses, minsan Rusyo, minsan Inglipino (Taglish kumbaga), minsan pawang kahibangan lang din. Maaaring basahin, dahil may mapupulot ka na aral, tiyak na tiyak iyon, as in super duper ultra mega sureball. At kung sa palagay mo ay wala kang natutuhan, alien ka. Kokey, ikaw ba yan?

Mahirap magpanggap na walang alam. Alam mo yun? 'Yung kunwari hindi mo alam yung sinasabi niya, yung tinutukoy niya, kasi kapag sinabi mo na alam mo na yun, baka isipin niya na ang yabang mo or may void sa pagitan niyo or "I was just saying" ang sasabihin niya pabalik sa iyo. May mga taong ganyan. Oo, malamang may kilala kang ganyan. Baka nga ikaw mismo, ganyan din. Kung working relationship lang ang nagbubuklod sa atin at hindi friendship, at ikaw ay tulad ng tinutukoy ko sa taas, para sa iyo ito:

Matagal na akong nagpapanggap na kunwari hindi ko alam yung ikukuwento mo. Well, minsan talaga kahit ilang beses nang ikinuwento sa iyo ng kaibigan mo ang isang bagay, okay lang yun. Natutuhan ko noon pa man, na kapag binabanggit mo ang mga, "Ah oo nabasa ko na yan," "Ah, alam ko na yan eh," "Ngayon mo lang nalaman yan?" o "Nakuwento mo na yan eh," ay tatamarin na ang mga kaibigan mo kuwentuhan ka kasi ang insensitive mo, excited pa naman siya ikuwento iyon at ikaw pa ang napili niya bahagian ng kanyang experience tapos ganun sasabihin mo? Oo, nagsasabi ka nga lang ng katotohanan pero naman, aminin na natin, hindi dapat sinasabi ang mga ganyan. Okay naman mga sinasabi mo sa akin, may laman nga. Sobrang kapal nga lang.

Oo, mahirap ang sacrifice. Kung madali lang iyon, hindi na siya sacrifice. Duh.

Kung marami kang sinasabi tungkol sa isang bagay na pinag-uusapan natin o ninyo, hindi ibig sabihin eh marami kang alam tungkol doon o di kaya'y yung suggestion mo ay napakahusay. Hindi mo ba mabasa yung kausap mo? Inaantok siya kapag nagsasalita ka. [Ikaw ba si Jigglypuff? Pokemon ka?] Hindi rin kasi okay eh, pinapahaba mo lang yung usapan, nagsasayang ka lang ng laway mo at oras namin (o kung sinuman ang minalas mong kausap). Sana straight to the point na lang. Hindi mo ito reflection paper o oral exam o individual consultation. At, applicable rin pala ito sa text messaging.

Utusan niyo (hindi lang ikaw) ako, okay lang. Hindi lang naman ako uupo sa tabi at mamamatay na lang bigla sa stress.

Dude, hindi ako academically indifferent/unfamiliar o kung anuman, pero kung gusto mo ako maging masaya, puwede na akong hindi magpilit bumaba sa antas ng pag-unawa mo. Kung may pinapatunayan ka, kuhang kuha ko na (o namin) ang gusto mong patunayan. Annoying ka (minsan). Nakakainis (minsan), nakakairita (kadalasan minsan). Pero siyempre, hindi ko masasabi sa iyo yun, hindi pa ngayon ang tamang panahon. Malalaman mo na lang isang araw, at parang sinturon ni Voltes V ang bigat ng ipapahiwatig ko. (Hmm, hindi ko lang sigurado kung aabot tayo sa araw na iyon.)

Pero ikaw, adik ka ba? Sabihin mo lang. Maghahanap ako ng sponsor para sa pagpapagamot mo.


MORAL: May mga panahong dapat makisabay at makibagay ka. Hindi mo kailangan ibigay ang resume mo para malaman nila na matalino/maabilidad/may pangarap ka, kasi minsan kahit matalino ka, magaling ka sa larangang pinili mo, at bongga ang pangarap mo sa buhay, "whatever" ka parin para sa iba. Mas maliit pa sa alikabok sa lamesa niyo ang tingin nila sa iyo. (Pero ano naman pakialam mo sa kanila diba? Wala.) At kung hindi mo nagets, hindi magandang bagay iyon.

No comments: