Thursday, September 03, 2009

Kagats / Phone Blogging Trial

Ang sarap ng nangangamoy balm. Yung pangmatandang balm. Hindi pala pangmatanda, basta yung sanitary balm, yung amoy maanghang, amoy puro kagat ng lamok yung katabi mo. Nakaupo kayo sa may aircon ng train tapos umaalingasaw yung amoy ng balm. Feeling mo either pinutakte ng lamok yung katabi mo o may arthritis siya at nilagyan niya ng balm yung katawan niya. Tipong hindi mo alam kung saang parte ng katawan niya may balm kaya medyo lang, medyo ayaw mo dumikit.

Badtrip. Ako yung nangangamoy balm eh. Mga lamok ng Zambales, humanda kayo sakin kapag bumalik ako. Bobombahin ko kayo. Nagsilabasan mga kagat ko pag-uwi.


MORAL: Ganun talaga pag rural areas, chong. Bawal maarte, nakamamatay ang kaartehan. Joke. Ang paglagay ng Off Lotion ay hindi kaartehan. Nakalimutan ko lang talaga. Boo.

Sinubukan ko lang yung Wavelog pampost ng entry. Cool. Kaso trial lang eh. Try ko yung Scribe next time.

No comments: