Sunday, October 04, 2009

Bloggers Change, Too

In my blog, dati laging funny yung posts ko (or I think they are), ngayon hindi na. Boo. Mas conyo-neurotic intelligent na (WEH). Kasi ganito, para maging funny or benta ang isang bagay, maglalagay ka ng description sa isang bagay. Basta exaggerate the description and magsingit ng nonsense na hirit. Humahaba lang ang blog entry mo.

Example:

Grabe yung nakita kong babae sa TV. Super payat hindi mo na malaman kung chopsticks ba yun or legs or arms. Yung tipong pag nagsuot ng bangles eh didirecho sa kilikili niya. Tapos sa sobrang pointy ng buto eh mabubutas na yung leggings. Did I say grabe na ba? Ay nako, dapat hindi nag-eendorse yan ng vitamins.


Pero bakit ngayon hindi na ako funny? Ewan. Siguro kasi uso na yung straight to the point. Alam ko mga mahahabang post eh kadalasa'y pilit yung funny-effect. Maraming ganun. Promise. Ako? Nagbago na ako. Minsan puro hirit, minsan naman, hammer the nail! Straight to the point! Walang make paliguy-ligoy! Pero if funny ka talaga, pare, clown ka.

Ang uso na lang ngayon, conyo at sabaw.

Akala mo funny, yun pala hindi.


MORAL: People change, intentions change, things change, climate change.

2 comments:

ryAn said...

you nailed the hammer!

rO.ot said...

Ay nako ryan, bastos. Haha.