Wednesday, November 25, 2009

Mensahe Sa Mga DL na Atenista Last Sem

*Drafted last October 11, 2009. 11:22 pm. Grabe, bakit hindi ko napopost mga naisusulat ko. Puro nasa drafts. Che.

NegaStar mode na naman ako. Trip ko ulit magpost ng entry sa Tagalog/Taglish. Mas malakas ang tama kapag Tagalog eh. Feel it, beybeh!

Sa lahat ng mga magiging Dean's Lister ngayong "optional" semester, sana ay hindi maging ugat ng kasiyahan niyo ang dahilan na optional ang requirements at final exams sa subjects niyo.

Matagal na akong hindi fan ng "Win or Lose, It's the school we choose" slogan ng Ateneo. Feeling ko medyo "eh ano naman, basta Atenista ako" ang dating sa akin. Marami ang kokontra sa akin rito dahil it's all about loyalty to your Alma Mater. K... Kahit na may injustice sa loob, ok lang. Loyalty. Choosing to not see the faults. Ok lang, it's the school we choose. Sabihin mo na, mali interpretation ko. Pero yabang parin eh. Win or lose, it's the school we choose. Basta Atenista o galing sa Ateneo, okay na!

Singlaki ni Godzilla ang gulat ko nang sabihin ng VP ng Loyola Schools na optional na raw yung mga bagay-bagay na kasama sa syllabus! Lalo na ang final exams and final projects (suwerte ka kung pang one sem lang ang subject mo, yung tipong hindi na kayo magkikita ng teacher mo next sem).

Ako na siguro ang pinaka-kontrabidang tao ngayon. Naaalala mo ba ang Task Force Ondoy sa Ateneo? Sa Covered Courts?

Sabi sa Philo class ko na ramdam na ramdam ko naman, kasi dapat parehas na okay ang panloob at panlabas na kilos. Puro panlabas na kilos lang yung iba, aminin na natin. May ibang napilitan lang dahil "duty calls" or "kailangan eh". Puwede ring naghahanap ng dahilan para pumunta ng school kasi walang pasok, gusto maglakwatsa, o dahil bored lang. Cool kasi tumulong sa relief operations sa Ateneo, maraming cute, maraming ganito, ganiyan, nandun mga kaibigan. Sarap nga eh, ultramicrominiskirt, full make-up at puro self-portraits pa. Hindi naman bawal magpicture and mag make-up. Hindi rin naman masama pumunta doon kahit na iba ang intention mo, kasi at the end of the day, nakapagpack ka parin ng goods, nakapag-assembly line, o nakapagpili ng damit para sa mga nasalanta ng bagyo. Nakatulong ka parin.

So anong pag-uugatan ng kasiyahan kung kinonkontra ko yung dahilan na "optional"? Sakin, natutuwa ako sa Ateneo (kahit na hindi parin ako fan ng slogan), dahil alam nilang hindi ang akademikong bahagi ng buhay ng tao ang pinakamahalaga sa lahat. Hindi lang tungkol sa academics ang buhay. May buhay pa bukod sa final exams, sa final requirements, dahil hindi talaga final ang mga ito, hindi natatapos sa silid-aralan ang mga maaaring matutuhan sa buhay.


MORAL: Proud ako maging Atenista at hindi ko ikinahihiyang hindi ako nagtake ng final exam sa ibang subjects ko. End of story.

1 comment:

Mark Bautista said...

"Cool kasi tumulong sa relief operations sa Ateneo, maraming cute, maraming ganito, ganiyan, nandun mga kaibigan."

Apir. Andami ngang ganyan nung time na yun.