Friday, April 09, 2010

Para Kay B at Sa Akin

Gustong hablutin ni Jordan si Irene, ikulong sa mga bisig niya at saka hingan ng tawad. Nagdaraan na sila ngayon sa ilalim ng arko ng dalawang kerubin. Pero nang lumapit siya kay Irene, pagkakita sa kanya'y galit na umiwas ito ng tingin. Wala silang imikang sabay na naglakad. Pero sorry nang sorry ang aspaltadong kalsadang tinatapakan nila.
Ganito lang, simple. Biglaan, isang pangungusap sa binabasa kong libro ang tumalab sa akin. Hindi ako napilitang kopyahin ang maikling talata mula sa aklat at nobela ni Ricky Lee na may pamagat na "Para Kay B." Tumigil ako sa pagbabasa para lang maulit ang mga salita.

Sorry nang sorry ang aspaltadong kalsadang tinatapakan nila.

Ganito narin siguro ang sinasabi ng mundo sa akin, sa tuwing nadidismaya ako sa mga nangyayari sa paligid, sa tuwing umiinit ang ulo ko, sa tuwing pinaniniwalaan ko na kailangan ko ng anger management classes, sa tuwing pakiramdam ko nabibigo ako sa aking mga inaasahan mula sa ibang tao.


ARAL: Pantay-pantay tayo sa pagkakataon sa pag-ibig. Walang quota, walang statistics. Dahil sa simulang naniwala ka sa statistics at nagpalamon ka na rito, bahagi ka na nito.

Sabi nga ni Ricky Lee sa kanyang nobela,

Kapag nagmamahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot, at bad breath.

3 comments:

annabbee said...

:)

rO.ot said...

Dear Anna,
Salamat sa pagpapahiram sa akin ng aklat.

<3

Anonymous said...

so, sa tingin mo kasama ka ba sa quota?