Monday, October 03, 2011

Ang mga Kaibigan ni Mama Susan (Bob Ong)

So Bob Ong has 8 books scattered across the Philippine Literature section of National Bookstore. I used to follow his books religiously and agreed with what he shared in his printed works. Then I realized that... Wait. 

Again.
Ulit.

Naalala ko na may entry na pala ako sa aking blog tungkol kay Bob Ong at sa huli niyang librong aking nabasa - Kapitan Sino. Sa nakaraang buwan, bigla ko lang nabasa habang naghahanap ng oras ng UAAP Finals na may isa pa palang librong nailabas si Bob Ong pagkatapos ng Kapitan Sino. Ito ang "Ang mga Kaibigan ni Mama Susan" na kumalat na noong 2010. Nalungkot ako na hindi ko man lang nabili kaagad ang libro noong nakaraang taon, pero nagpabili naman ako kaagad nito matapos kong malaman na iba na ang ikot ng kwento ngayon. Hindi na tungkol sa mga nakatatawang jokes at pangangaral ang ginawa ni Bob Ong. Unang subok niya ito sa horror o di kaya'y supernatural na genre. 

I was really hoping that Puno parin ako ng pag-asa na hindi na gagawin ni Bob Ong ang mga shortcut niya sa pagsusulat. Alam kong maraming tumatangkilik sa kanya at mga simpleng "niya" "siya" na nagiging "nya" "sya" ay nakukuha ng mga mambabasa na marahil ay paniniwalaan nilang tama. Grammar Nazi ba ako? Hindi ah! Ako ay concerned citizen lamang. Nabigo lamang ako, namimilipit ang aking mga paa tuwing nababasa ko ang "sya." Balik na nga lang tayo sa libro. Parang journal-type ang style ng pagkakasulat, nagsasalaysay ang bida ng kanyang mga karanasan sa Maynila at makalaon,  sa probinsya kung saan naroon ang kanyang lola - si Mama Susan. Kaya nating paganahin ang ating mga imahinasyon at alam natin ang tagpuan ng mga kinaugaliang horror movie, kaya sapat na ang mga detalye para makita mo ang nakikita ng bida sa istorya. Hindi ko ikukuwento kung ano ang nagyari sa libro (baka gusto mo pa basahin, go lang!) pero masasabi ko lang na hindi nakatatawa ang libro (malaking kaibahan sa mga unang naisulat ni Bob Ong) at kahit hindi masiyado pulido ang istorya, saludo ako at sumubok ng ibang genre ang may akda.


Aral: Mayroon pala talagang mga libro na maiisipan mong sinayang lang ang mga puno sa paglimbag dito. Isipin mo, PHP150 din yung libro ah, parking fee ko na iyon sa 3 araw. Kung gusto mong basahin yung libro, hiramin mo nalang sa akin.

No comments: