Thursday, July 05, 2012

Lumayo Ka Nga Sa Akin ni Bob Ong

"Get the heck away from me!!!" is what a snooty teenager would say to someone for some unkown reason.

Pero ang totoong dahilan kung bakit ko nabanggit iyan ay dahil sa huling akda ni alyas Bob Ong, ang "Lumayo Ka Nga Sa Akin" na katatapos ko lang basahin. Maiba tayo, susubukin ko ang paggamit ng "conyong malalim" sa entry na ito. This is because for some kadahilanan na I can't mawari, Bob Ong's aklat has improved dramatically in terms of pagbabaybay. He didn't murder the titik "i" in his pangungusap and even used the oxford kuwit! This is the talinghaga of the century. Plus his creativity in experimenting with samu't sari na composition styles are still prevalent.

With "Lumayo Ka Nga Sa Akin," he's using a script style for his aklat. When he released "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan" sa nakaraan, he used a diary/journal-entry style in conveying his story. This book has increased its literacy style (but please don't mind the balangkas and storyline) which adds appeal for Bob Ong's tagahanga.

Okay, tama na ang "conyong malalim" moments ko. Ilang pangugngusap pa lamang at nangangati na ako sa mga pinagsusulat ko sa taas. Balik nalang tayo sa conversational Taglish o ang casual na pag-murder sa Ingles at Filipino/Tagalog. At mabalik na rin tayo sa one-sided na komentaryo tungkol sa huling aklat ni Bob Ong. As usual, mareklamo si Bob Ong. Mareklamo talaga. Iba naman ngayon ang kanya pinupuntirya. Naging somewhat socially-relevant ang mga akda ni Bob Ong noong kasagsagan ng EDSA Dos dahil tungkol sa gobyerno at pag-iisip ng mga Pilipino ang nalimbag niya.


Ngayon, ang mga tinitira naman ni Bob Ong ay iba't ibang uri ng media (TV, pelikula, social media). Ang mga kababawan ng Pinoy humor. Walang wit sa dialogue, puro slapstick comedy nalang. Ang mga movie titles na puro mga song titles. Napaka-creative na talaga natin, noh? Ang bad hosting skills ng noontime shows. Puro sigawan, 'teh? Ang napakapredictable na plot ng action films - ang beerhouse eksena, ang bastos na tambay, ang warehouse fight scene, ang sex scene sa ulan, ang funny na sidekick, banong kontrabida, etc. Ang walang kwentang Big Brother - "Para ka lang nanood ng pinturang pinapatuyo. Sobrang nakaka-excite." Ang kahindik-hindik na plot ng horror films na umaasa sa gulat factor at pangit na CGI effects. Aba, nakatatakot nga naman ang pangit na CGI effects. Kasama na rin ang mga balita sa TV at tabloid. Oo nga naman, mahalaga naman na balita yung mga chop-chop at na-lechon na bata.

Gaya ng mga nagpo-protesta sa kalye, walang solusyon, puro reklamo. O baka nga hinihingi ko lang ang sagot sa mga tanong na naisip ko na rin noon pa. Kung ang nais ni Bob Ong ay mapakita o mapaisip ang iba pang mga mamamayan sa kasalukuyang kabulukan ng sitwasyon ng ating sining at mass media, masasabi kong matagumpay siya sa kanyang hangarin.


Pero baka nga gusto lang niya magsabi ng mga hinanakit niya at mga bagay na sa sobrang dalas nating nakikita at nararanasan, eh hindi na rin natin napapansin. Ayaw lang ni Bob Ong na malimutan natin ang pag-aabuso ng kapitalismo sa sining at sa atin, kahit pa man araw-araw nalang tayo binubugbog ng mga ito. Ayaw niyang masanay tayo at hayaan nalang maging ganito ang mga Pilipino.

Hindi man para sa akin ang "Lumayo Ka Nga Sa Akin," alam ko at umaasa akong may matatamaan kahit papaano sa librong ito. All is well, in a good way.

Ibang mga snippets na nagustuhan ko mula sa libro:
Individuality. Actually, hipsters.
A: 'Yon yung mali sa tinatawag na "cool factor". Para maging "in" ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.
B: Ang gulo! Gusto mo "in" ka, pero kailangan ikaw lang ang "in"? Sobrang insecure mo naman pag ganon. Kahit na gustong-gusto mo yung pelikula, pag marami na rin ang may gusto dito, aayawan mo na para kunyari hindi pangmasa ang taste mo? Ang lungkot naman no'n!

Winning line.
Divina Tuazon - the non-biodegradable star! Hindi ka nabubulok. Congratulations! I really feel mapapalitan na yung "My brother is not a pig!" ng "Magsama kayo ng palitaw mo sa impyerno!"

Generation IG or Instant Gratification.
A: Sige nga, mag-debate tayo! Kumbinsihin mo 'ko. Patunayan mo sa akin na may Diyos!
B: Bata, kanya-kanya tayo ng paglalakbay. Huwag kang magpakarga. Katamaran 'yan.

No comments: