Monday, September 19, 2016

nawalan na ng gana ang tadhana
nanlalamig yung dating nagbabaga

ang sabi mo walang hanggan
ba't nandito tayo sa dulo

pangako mo walang hanggan
bakit nandyan ka sa dulo?

pwede bang kalimutan mong may dulo
handa ako sa walang hanggan
pangako mong walang hanggan
akala ko walang hanggan

pero nandito tayo sa dulo

kung ika'y mawawala sa aking piling
dinggin mo ang aking bilin
lingon ka lang paminsan minsan
dito lang ako di ako lilisan

sa ating dulo

di ako lilisan