Wednesday, April 25, 2007

Walang Makain Kahit May Pagkain

Hindi ito tula, wala lang. Huwala lang talagah. Ako ay nagkaroon ng inspirasyon dahil sa gutom*.

Umalis si yaya Susan
Si yaya Susan na nagluluto ng ulam
Umalis na si yaya Susan
Dahil dadalo siya sa kasalan

Ikakasal ang pamangkin nila
Pamangking nag-aalaga kay Lola
Magaganap ang kasal sa probinsya
Sa Iloilo kung saan ako’y nakapunta na

Nanatili dito ang kapatid ni yaya Susan
Annabelle ang pangalan
Umuwi na siya noong nakaraan
Kaya’t siya ay nagpaiwan

Shanghai, tiramisu at adobo
Ginawa ni yaya nang walang Aji-no-moto
Sabi ko kasi noon, ang MSG ay nakabobobo
Ang sagot niya sa aki’y, “MSG, ano kamo?”

Bago siya umalis iyan ang kanyang iniwan sa amin
Shanghai, tiramisu, at adobo para may makain
Dahil masarap, naubos kaagad kaya kami’y nabitin
“Yaya, puro noodles ang iniluluto ni daddy” gusto kong sabihin

Naiinis ang tatay ko kasi ayaw namin ng misua
Eh paborito niya iyon lutin pati ang lomi, pero nakasasawa
Dumating ang ate ko at nakita ang misuang nakasusuya
Kahit magaling magluto si daddy, ayaw ko pa rin ng misua

Si yaya nakakausap namin sa cellphone, sa telepono
Kumustahan at siyempre, pa’no lutuin ang menudo
Anong pasalubong daw ang aking gusto?
Sisi, piyaya, broas, at butterscotch sabi ko

Matatapos ito nang ganito, may tuldok sa huli.


*Mayroon naman talagang pagkain, luto ng aking ama, puro pagkaing Intsik. Ako ay hindi kumakain ng karne ng manok, baboy, baka, at ng kung ano pa man. Ang mga isda lamang ang kinakain kong may buhay, siyempre, patay at luto na sila kapag kakainin ko, kasi hindi ako naaawa sa kanila, pasensiya na, Fishie. Lahat na ay walang buhay, kahit na problemado ang susunod kong sasabihin dahil mayroong buhay ang mga halaman, mga gulay at prutas. Magsasaliksik ako ng pagpapatunay na walang pakiramdam ang mga halaman. Ito sa pakiramdam ko ay miyembro ako ng PeTA. Si Yaya Susan ang nagtitiyagang magtanggal ng mga tinik ng isda para mayroon kaming boneless na isda. At dahil siya rin ang namamalengke, siyempre nakasalalay sa kanya ang ulam namin.

**HINDI - inuulit ko - HINDI ako nagpapapayat gaya ng sinasabi ng tatay kong makulit. Fafa, underweight ako. Kapag nagpapayat pa ako eh baka mamatay na ako, o di kaya’y maospital. Ayaw kong kumain ng karne ng mga manok, baboy, atbp. dahil nga sa PeTA. Ilang beses ko bang uulitin iyon. Isa pa, hindi ako nagdidiyeta o kaya’y nagpapapayat. Kung nagpapapayat ako, hindi ako kakain ng ice cream, ng maraming kanin, ng kung anu-anong biskwit, mga carbo-loaded na chuvaness, mga calorie-packed na pagkain, at fish fillet na may Thousand Island o di kaya’y Ranch dressing na hindi fat-free. Dalhin niyo ako sa eat-all-you-can-dahil-masiba-ka na restawran, mananalo ako kung may patimpalak na paramihan ng pagkain na makakain. Ano ba.


ARAL: Huwag mag-inarte kung wala namang dahilan. Masama iyon sa kalusugan.

No comments: